^

Bansa

‘Panday ng pantasya’, resbak ni PNoy kay Bong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinanday na pantasya at gawa-gawa na parang eksena sa pelikula ang narating na tagumpay ng daang matuwid ng gobyernong Aquino.

Ito ang pasaring ni Pangulong Aquino kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa mensahe ng una sa ground breaking ng Skyway 3 sa Makati City kahapon.

Magugunita na binatikos ni Sen. Revilla sa kanyang privilege speech si Pangulong Aquino at ang Daang Matuwid nito at ibinunyag pa na pa-tago siyang kinausap ng Pangulo sa kasagsagan ng impeachment trial ni Renato Corona at pinakiusapan na ‘ibalato’ na raw sa kanya ang pag-convict sa dating SC Chief Justice.

“Para naman sa mga paulit-ulit na nagtatanong, at sinasadyang magbulag-bulagan sa mga nara-rating na nating tagumpay: Ito ang daang matuwid. Hindi pinanday ng pantasya, at mas lalong hindi gawa-gawa na parang eksena sa isang pelikula – totoo at kongkretong mga proyekto ang hatid ng ating tuwid at mabuting pamamahala para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino,” wika ng Pangulo.

Sabi ni PNoy, dekada 70 pa lamang ay plano na ang proyektong ito subalit dahil sa kawalan ng kakayahan noon ng Construction and Development Corporation ay hindi ito naisakatuparan.

“Anumang pilit ng ilang magpapogi at magpabida para sa pansariling interes lang, ay wala pa ring makakapigil sa kolek-tibo nating pag-arangkada bilang isang bayan. Bawat hakbang sa tuwid na daan ay nakatuon lamang sa direksyon kung saan higit na maiaangat ang buhay ng mga kababayan nating matagal nang na-etsapuwera’t napag-iwanan. Ito ang buong-sigasig na isinusulong ng inyong pamahalaan, sama-sama ang lahat sa pagsulong, at walang Pilipinong maiiwan,” giit pa ni PNoy.

Naunang inamin kamakalawa ni PNoy na bukod kay Revilla ay kinausap din niya sina Sens. Jinggoy Estrada, TG Guingona at Ralph Recto.

Nais lang daw beripikahin ng Pangulo ang intel report na mayroong maimpluwensiyang grupo na gumagapang sa mga senator-judges sa kasagsagan ng impeachment trial at hindi niya layuning pilitin ang mga ito na bumoto para ma-convict si Corona kundi pinakiusapan niyang bumoto sang-ayon sa merito ng kaso at hindi dahil sa pressure ng ilang grupo.

Ang Skyway 3 ay isang elevated expressway na magkokonekta sa NLEX at SLEX at inaasahang matatapos sa 2017 sa halagang P26. 7 bilyon.

Bagamat sa Abril 2017 pa ina-asahang matatapos, sinabi ni PNoy na puwedeng madaliin ito at matapos ang accele-rated construction project sa June 2016.

Aniya, makakalikha din ang proyekto ng 6,000 direct jobs at 12,000 na indirect jobs kasabay ang paghingi ng paunawa sa publiko sa posibleng traffic na idudulot ng proyekto habang nasa panahon ng konstruksyon.

ANG SKYWAY

CHIEF JUSTICE

CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT CORPORATION

DAANG MATUWID

JINGGOY ESTRADA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with