^

Bansa

PNoy pinatutsadahan si Revilla, 'Ito po ang daang matuwid'

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginamit ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglulunsad ng Metro Manila Skyway (MMS) Stage 3 Project upang pasaringan ang isa sa mga kritikong si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ipinagmalaki ni Aquino ang pinakabagong proyekto ng gobyerno katulong ang ilang pribadong sektor sa paggawa ng MMS na magdudugtong sa North Luzon Expressway at South Luzon Expressway na aniya’y isa sa mga patunay na may ginagawa ang kanyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati ay hinaluaan ni Aquino nang pasaring ang artistang senador na gumawa ng bersiyon ng pelikulang “Panday.”

“Ito po ang daang matuwid,” pahayag ni Aquino ngayong Miyerkules. “Hindi pinanday ng pantasya, at mas lalong hindi gawa-gawa na parang eksena sa isang pelikula—totoo at kongkretong mga proyekto ang hatid ng ating tuwid at mabuting pamamahala para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.”

Kaugnay na balita: Bong kay Noy: 'Ito ba ang daang matuwid?'

Sinabi pa ni Aquino na kasama ng publiko ang gobyerno sa pagtahak sa tuwid na daan patungo sa pag-unlad ng bayan.

“Anumang pilit ng ilang magpapogi at magpabida para sa pansariling interes lang, ay wala pa ring makakapigil sa kolektibo nating pag-arangkada bilang isang bayan. Bawat hakbang sa tuwid na daan ay nakatuon lamang sa direksyon kung saan higit na maiaangat ang buhay ng mga kababayan nating matagal nang naetsapuwera’t napag-iwanan,” banggit ng Pangulo.

“Ito ang buong-sigasig na isinusulong ng inyong pamahalaan—sama-sama ang lahat sa pagsulong, at walang Pilipinong maiiwan.”

Bukod sa magiging 15-20 minuto na lamang ang biyahe mula SLEx at NLEx mula sa dalawa o higit pang oras, magbubukas ang proyekto ng 6,000 na direktang trabaho at karagdagang 10 hanggang 12 libong indirect jobs, ayon pa kay Aquino.

Binanatan ni Revilla sa kanyang privilege speech si Aquino nitong kamakalawa kung saan binatikos ng senador ang aniya’y pagpapanggap ng administrasyon.

Kaugnay na balita: Pnoy posibleng masibak sa puwesto

"Lahat nang ito ay palabas lamang ng isang gobyerno na nagkukunwaring may malasakit sa bayan," banggit ni Revilla.

Kinuwestiyon din ni  Revilla ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program at ang pagtugon ng gobyerno sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

"Ito ba ang Daang Matuwid?" tanong ni Revilla.

AQUINO

DAANG MATUWID

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KAUGNAY

METRO MANILA SKYWAY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with