Caloocan to Manila, 20-30 minuto na lang sa Expressway link project
MANILA, Philippines - Mula sa kasalukuyang 2 oras, aabu- tin na lamang ng 20 minuto hanggang 30 minuto ang magiging biyahe ng mga motorista na magmumula sa Caloocan papuntang Maynila at vice versa.
Ito, ayon kay MNTC head Rod Franco, ang magiging tulong sa mga motorista, biyahero at mga pasahero ng NLEX Metro Expressway Link Project na nailunsad kahapon na may haba na 18 km at napondohan ng P33 bilyon.
Bunga nito, nilagdaan kahapon ng mga opisyal ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTDC), Manila North Tollways Corp (MNTC) at Philippine Na-tional Construction Corporation (PNCC) ang naturang proyekto na senyales ng pagsisimula nito. Sinabi ni Franco na pag-uusapan din ng tanggapan at ng Toll Regulatory Board (TRB) ang halaga ng toll fee sa entry at exit points ng link project.
Bagamat LTO Rules and Regulations pa rin ang ipatutupad na sistema sa trapiko sa proyektong ito, maglalagay naman sila ng mga karagdagang mga camera at iba pang mga devices para madisiplina ang mga pasaway na dri- vers doon at maibsan ang aksidente sa naturang lansangan.
- Latest