^

Bansa

PNoy umaming kinausap ang senators

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Pangulong Aquino na bukod kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ay may ilang senator-judges pa ang kanyang kinausap para sa impeachment trial noon ni dating SC Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Kabilang sa mga ito sina Sen. TG Guingona III, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Ralph Recto.

Sabi ng Pangulo, kinausap lamang niya ang mga ito hindi upang impluwensiyahan kundi upang pakiusapan na bumoto sila sang-ayon sa merito ng kaso at huwag magpapadala sa sinasabing interest group na gumagapang sa Corona trial.

Aniya, nais lamang niyang alamin ang ulat na mayroong grupo na gumagapang habang dinidinig ang Corona trial at upang malaman niya ang katotohanan dito kaya ninais niyang makausap ang mga ito at ginamit niya si DILG Sec. Mar Roxas.

“All of (them) were subjected to pressure. I was trying to ensure that they’ll decide based on merits of the case,” wika ng Pangulo sa media interview sa pagdalo nito sa anibersaryo ng Insurance Commission kahapon.

Itinanggi rin ng Chief Executive na ang pakay kaya niya kinausap ang mga senator-judges ay upang i-pressure sila para sa conviction ni Corona kundi para masiguro na walang gumigipit sa kanila habang nasa kasagsagan ng paglilitis at hindi sila maimpluwensiyahan sa kanilang paghuhusga.

Ipinagtanggol din ni PNoy si Roxas kung saan sinabi nitong siya lamang ang tumayong mediator dahil mas matagal niyang nakasama ang mga senador na ito kumpara sa kanya.

Ipinahiwatig din ni PNoy na nangako noon sa kanya si Sen. Revilla na magiging supportive sa kanyang administrasyon nang manalo siyang pangulo noong 2010 pero kahit kailan ay hindi daw niya ito naramdaman.

Magugunita na isiniwalat ni Revilla sa kanyang privilege speech na dinala siya ni Roxas sa Bahay-Pangarap sa kasagsagan ng impeachment trial at doon ay pinakiusapan siya ng Pangulo para i-convict si Corona.

Hinimok naman ng Palasyo si Revilla na sagutin na lamang nito ang tunay na isyu ukol sa paggamit niya sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) matapos itong maugnay sa P10 bilyong pork barrel fund scam ni Janet Lim-Napoles.

CHIEF EXECUTIVE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

INSURANCE COMMISSION

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

MAR ROXAS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with