^

Bansa

Davidson Bangayan at 'David Tan' iisa lang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Idiniin pa ang negosyanteng si Davidson Bangayan na nasa likod ng bilyung-bilyong rice smuggling sa bansa matapos maghain ng ebidensya ang pinuno ng Federation of the Philippine Industries.

Naghain ng ebidensiya si FPI Chairman Jesus Arranza na magpapatunay na iisang tao lamang si Bangayan at ang rice smuggling king na nakilala lamang sa alyas na “David Tan.”

Ginamit ni Arranza ang reklamo ni Bangayan laban sa kanya na inihain sa Manila Prosecutors' Office noong 2005 kung saan nakasaad na David Tan ang alyas ng kontrobersyal na negosyante.

Nakasaad din sa certification na isa si Bangayan sa stockholder at opisyal ng Advanced Scrap specialists.

Nitong nakaraang linggo ay nakipagpulong si Bangayan kay De Lima upang itanggi ang akusasyon na siya si David Tan.

Dumiretso rin si Bangayan sa National Bureau of Investigation upang pormal na ihain ang akusasyon.

Dagdag ni Arranza na may kaso rin si Bangayan sa Calamba City Regional Trial Court kung saan hindi rin itinanggi ng negosyante na siya si David Tan.

 

ADVANCED SCRAP

ARRANZA

BANGAYAN

CALAMBA CITY REGIONAL TRIAL COURT

CHAIRMAN JESUS ARRANZA

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

DE LIMA

FEDERATION OF THE PHILIPPINE INDUSTRIES

MANILA PROSECUTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with