800K katao apektado kay 'Agaton'
MANILA, Philippines – Lumobo na sa 800,000 katao ang apektado sa bagyong “Agaton†ayon sa state disaster response agency ngayong Martes.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na higit 168,000 pamilya o 809,000 katao ang naapektuham ni Agaton mula 109 bayan sa 15 probinsya ng region 10, 11, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Mula sa naturang bilang ay 43,000 pamilya o 203,000 katao ang nanunuluyan sa 565 na evacuation centers.
Samantala, 42 pa rin ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng unang bagyo ngayong 2014.
Sinabi pa ng NDRRMC na walong katao pa rin ang pinaghahahanap, habang 65 ang sugatan.
Umabot naman sa P367 milyon ang halaga ng pinsala ng bagyo.
Suspendido naman ang klase sa walong barangay sa Cagayan de Oro City dahil sa masamang panahon.
Sinabi ng PAGASA kahapon na bahagyang humina si Agaton kaya naman isa na lamang itong low pressure area
- Latest