2 Diocese sa Surigao, nagpapasaklolo
MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo sa publiko ang Social Action Center ng Diocese of Tandag at Diocese of Mati sa Surigao Del Sur sa tulong na pagkain, tubig at gamot na kailangang-kailangan nila para sa libu-libong residente na kinakalinga ngayon sa mga evacuation center bunsod ng patuloy na nararanasang malakas na ulan na dala ng bagyong ‘Agaton’.
Ayon kay Rev. Fr. Antonio Galela, Social Action Director ng naturang Diocese, na kumikilos sila para tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na nasa evacuation center pero hindi pa sapat kaya sila nananawagan ng tulong.
Nakikipag-ugnayan na ang simbahan sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay sa pag-aasikaso nila sa mga sinalanta ng bagyo.
“Sa ngayon ang Social Action Center sa Tandag ay nagplano na at nagbibigay na ng food packs, nakipag-coordinate din kami sa Provincial Government, Local Government o Municipal Government para magtulong-tulong kami sa pagbigay ng pagkain sa lahat ng nasa evacuation center, â€ani Fr. Galela.
- Latest