^

Bansa

‘Agaton’ humina, LPA na lamang ngayon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humina na ang bag­yong ‘Agaton’ at ito ay isa  na lamang Low Pressure Area (LPA).

Binawi na kahapon ng PAGASA ang lahat ng storm warning signals sa alinmang bahagi ng bansa partikular sa Visayas at Mindanao.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si “Agaton” na isa na lamang LPA ay namataan sa layong 400 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Davao City o 455 kilometro sa silangan ng General Santos City.

Bagamat  isa na lamang LPA ay patuloy na pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar dahil magdadala pa rin ng mga pag-ulan ang naturang weather system sa  Northern Mindanao, Caraga at Davao Region.

Patuloy ding pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan.

Si ‘Agaton’ ay kumitil ng  40 buhay, 6 ang nawa­wala at nakasugat sa  65 na indibidwal dulot ng mga pag-ulan na ibinagsak nito.

AGATON

BAGAMAT

BINAWI

CARAGA

DAVAO CITY

DAVAO REGION

GENERAL SANTOS CITY

LOW PRESSURE AREA

NORTHERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with