Magsasaka nagpasaklolo kay Villar Piso-piso vs rice smugglers
MANILA, Philippines - Naglunsad ang mga maliliit na magsasaka na karamihan ay nagmula sa Northern at Central Luzon ng “Piso-piso†campaign upang magkaroon ng pondo na magagamit bilang reward sa sinumang tetestigo sa imbestigasyon ng Senate Committee on Agriculture at magtuturo ng mga big time smugglers ng bigas sa bansa.
Ibinigay ng mga magsasaka ang initial na pondong P55,000 kay Senator Cynthia VIllar, chairman ng komite na mag-iimbestiga sa nangyayaring rice smuggling.
Ayon kay Ofociano Manalo, presidente ng Confederation of Irrigators Association sa Region 1, ang mga maliliit na magsasaka ay nag ambag-ambag para magkaroon ng pondo dahil sila ang apektado sa isyu.
Ayon kay Manalo ang kampanya laban sa rice smuggling ang naging dahilan para tumaas ang presyo ng bigas na nabibili sa mga lokal na magsasaka.
Sinabi naman ni Rosendo So, convenor ng SamaÂhang Industriya sa Agrikultura (SINAG) na umaasa sila na ang kanilang ginagawa ay magiging daan para matigil na ang smuggling. Nagpahayag pa si So ng kumpiyansa sa gagawing imbestigasyon ng komite ni Villar.
Ayon pa kay So, ang SINAG ay magbibigay ng tulong sa mga lokal na irrigators para magkaroon ng pondo laban sa smuggling activities dahil apektado rin nito ang baboy, manok, sibuyas, at iba pang agricultural products.
Samantala, inihayag naman ni Sen. Cynthia Villar na dating coins smuggler ang rice smuggler.
“Si David Tan, ang negosyo dati niyan ay ang pagpupuslit ng barya palabas ng bansa pero ngayon ay smuggler ng bigas dahil mas malaki ang kita,†pahayag ng Senadora.
Nitong mga nakaraang araw ay nauna nang isiniwalat ni Senador Francis Escudero na mayroon siyang kilalang David Tan na nauugnay sa pagpupuslit ng P.25 na coins palabas ng bansa pero hindi umano siya sigurado kung ito rin ang napaghihinalaang rice smuggler.
“Pasok sa economic sabotage ‘yan dahil sa laki ng halaga ng mga bigas na ‘yan,†sabi pa ni Villar.
Kinumpirma din ni Villar na nagpalabas siya ng ikalawang subpoena kay Tan para dumalo sa nakatakdang pagdinig ng Senado sa rice smuggling sa Miyerkules.
- Latest