Blackout Protest sa Enero 21 lalarga
MANILA, Philippines - Idineklara ng labor group Kilusang Mayo Uno (KMU) sa darating na Enero 21 ang “Blackout protest†bilang pambansang pagkondena ng mga manggagawa sa taas siÂngil sa kuryente na nais na maipatupad ng Meralco.
Sa isang press conference kahapon sa QC, ipinanawagan ng KMU kasama ang Bayan Muna sa publiko na makiisa sa naturang protesta na gagawin sa Korte Suprema kasabay ng pagsasagawa ng pagdinig hinggil sa TRO na naipalabas kamakailan kaugnay ng power rate hike issue.
Hinikayat din ng naturang mga grupo ang taumbayan na patayin ang kanilang mga ilaw sa naturang araw, alas-7 ng gabi bilang bahagi ng malawakang protest blackout para pigilan ang taas sa singil sa kuryente.
Binigyang diin ni Roger Soluta, secretary-general ng KMU na dapat kumilos ang taumbayan sa usapin ng power rate hike bago ma-expire ang TRO hinggil dito na naigawad ng Korte Suprema noong December 23 at magtatapos makaraan ang 60 araw.
Batay sa pagbusisi ng independent think-tank Ibon Foundation, tumaas ang kita ng Meralco ng 56.3 percent kada taon sa loob ng nakalipas na 6 na taon mula P2.6 billion net income noong 2008 hanggang P16.3 billion noong 2012.
- Latest