Toxic-free schools target ng DepEd
MANILA, Philippines - Desidido ang Department of Education (DepEd) na gawing “toxic-free†ang mga paaralan sa bansa sa paglulunsad ng information campaign laban sa mga nakalalasong kemikal na matatagpuan sa mga gamit at school supplies ng mga estudÂyante.
Isang memorandum of agreement ang pinirÂmahan nina Education Secretary Armin Luistro at environmental group Ban Toxics (BT) head Atty. Richard Guttierez para sa pagtutulungan sa kampanya upang mailayo ang mga batang mag-aaral sa mga toxic chemicals.
Kasama sa action plan ang pagsasagawa ng training sa mga guro, forums, lectures at mga aktibidad para sa mga mag-aaral ukol sa mga mapanganib na kemikal. Kabilang dito ang tinatawag na “Fearsome Five†na “mercury, lead, cadmium, asbestos at arsenicâ€.
Sinabi ni Luistro na kailangang matapos na ang dahan-dahang pagkalason ng mga bata sa mga paaralan na hindi nalalaman ng mga magulang.
Karamihan umano sa mga kemikal na nabanggit ay nasa mga gamit ng mga mag-aaral tulad ng mga krayola, markers at maging sa mga bags. Matatagpuan rin ang mga kemikal sa mga gamit, pintura, ilaw, gamit sa paglilinis.
Ipino-promote naman ng Toxics-Free Schools Program (TFSP) ang mga alternatibo at praktikal na solusyon habang mamumulat naman ang mga guro at tauhan ng mga paaralan sa mga gamit na may nakakasamang kemikal.
- Latest