Walang pressure sa DAP – solon
MANILA, Philippines - Walang anumang pressure na ibinibigay ang administrasyon sa Korte Suprema para magdesisyon ito ng pabor sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Paliwanag ni Marikina Rep. Miro Quimbo na kilalang kaalyado ng admi-nistrasyon sa Kamara, nang sabihin niya na posibleng maidekla-rang constitutional ng Korte Suprema ang DAP ay base ito sa pagkakaunawa niya sa budget process at mga umiiral na batas tungkol sa paggamit ng savings ng gob-yerno.
Taliwas umano ito sa pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco na ginagawa itong mind conditioning sa publiko tungkol sa isyu ng DAP.
Giit ng kongresista na dahil sa sinabi ni Tiangco ay mistulang nalalagay naman ngayon sa alanganing sitwasyon ang mga mahistrado ng Korte Suprema kayat pinayuhan ni Quimbo si Tiangco na magbasa ng General Appropriations Act (GAA).
Pinabulaanan din ng kongresista, na blackmail at pressure sa mga Mahistrado ang sinasabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na impeachment laban sa mga ito upang magdesisyon na pabor sa DAP.
Nilinaw ni Quimbo na ang impeachment ay isang natatanging kapangyarihan na ibinibigay sa kongreso upang masiguro ang check and balance sa mga ahensiya ng gob-yerno at hindi ito dapat aksayahin at basta-basta gamitin lang.
Naniniwala ang kongresista na sa ngayon ay masyado pang maaga ang ilang panawagan na impeachment sa ilang Mahistrado ng Korte Suprema.
- Latest