^

Bansa

Patas na imbestigasyon sa tax evasion ng tabako hingi

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Kabataan partylist Rep. Terry Ridon sa gobyerno na magsagawa ng patas na imbestigasyon kaugnay sa mga akusasyon ng tax evasion, smuggling at hindi tamang deklarasyon sa lahat ng kumpanya ng tabako.

Ayon kay Ridon na miyembro ng House Ways and Means Committee na nag-iimbestiga sa akusasyon sa umano’y under declaration ng Mighty Corporation, na isang lokal cigarette manufacturer, upang maging patas ang imbestigasyon sa lahat ng players sa industriya ng tabako sa bansa kabilang na rin ang mga kumpanyang kakumpetensya nito ay dapat imbestigahan.

Giit ng mambabatas, dapat tingnan ng Kongreso kung hanggang saan lebel ng buwis ang nakokolekta ng BIR at madetermina kung ang mga kumpanya ng tabako ay nandadaya sa buwis gayundin kung magkano ang kanilang buwis na hindi nababayaran at dapat nilang bayaran.

Kinuwestiyon din ng mambabatas kung bakit nabigyan ng tax clearances ng BIR at Bureau of Customs (BoC) ang Mighty sa mga taong 2011 at 2012 gayung iniimbestigahan ito.

“If these agencies have already granted clearances to Mighty, it would most definitely appear that there might be in fact an attempt by a big player to shake down a small player in the tobacco industry, using Congress as a theater for all these investigations,” ayon kay Ridon.

Kaya nanawagan ito na magkaroon ng promotion para sa healthy competition sa loob ng industriya ng tabako dahil ang monopolya umano sa merkado ay nakaka-discourage ng kompetisyon at hindi rin umano maganda sa ekonomiya para sa mga mas maliliit na kumpanya gayundin sa negosyo.

 

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

GIIT

HOUSE WAYS AND MEANS COMMITTEE

KABATAAN

KAYA

KINUWESTIYON

MIGHTY CORPORATION

RIDON

TERRY RIDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with