Mass arrest vs illegal Pinoys sa Malaysia
MANILA, Philippines - Uumpisahan na ng Malaysian government ang malawakang crackdown na tinawag na “Ops Bersepadu†laban sa mga dayuhan kabilang na ang mga Pinoy na illegal na nananatili at nagtatrabaho sa Malaysia sa Enero 21.
Inianunsyo ng Malaysian Home Ministry nitong Enero 10 ang napipintong pag-aresto sa lahat ng illegal foreign nationals sa kanilang teritoryo.
Bunsod nito, pinaalalahanan ni Phl Ambassador to Malaysia Eduardo Malaya ang mga OFW na kumpletuhin ang kanilang immigration documents at laging dalhin ang kanilang tamang identification doÂcuments, work permit at pasaporte na may valid visa upang makaiwas sa anumang problema sakaling makaranas ng immigration checks.
Nanawagan si Malaya sa mga employers at agents na ibigay at ipahawak sa kanilang manggagawang Pinoy ang kanilang passport at identification documents para sa kanilang seguridad at proteksyon.
Sa mga walang status sa Malaysia, sila ay inaatasang kumuha ng arrangement upang bolunÂtaryong makabalik sa Pilipinas.
Binigyang-diin ng Malaysian authorities na ang mga dayuhang boluntaryong aalis ay hindi na makakasuhan at maparurusahan subalit kailaÂngang magbayad sila ng multa dahil sa pagiging overstaying.
Sa mga mahuhuli, sila ay ikukulong habang pinoproseso ang kanilang deportasyon at isasailalim sa biometric fingerprint registration upang matiyak na hindi na makakabalik sa Malaysia kahit pa gumamit ng ibang pangalan.
Dahil dito, umaapela ang Embahada sa mga OFWs na nagnanais na magtrabaho sa Malaysia na tiyaking may hawak silang aprubadong work permits o kahalintulad na papeles bago sila tumungo sa Malaysia.
Bukod sa mga Pinoy, inaasahang maapektuhan sa Ops Bersepadu ang mga dayuhan mula Indonesia, Thailand, Cambodia, Myanmar, Nepal, Laos, Vietnam, Pakistan, Sri Lanka, Uzbekistan, Kazakhstan, India at BangÂladesh.
Mahigpit nang ipinagbabawal ng Malaysian government ang pagtatrabaho ng mga dayuhan sa mga fast-food restaurants upang bigyang prayoridad ang kanilang mamamayan na mabigyan ng trabaho.
- Latest