^

Bansa

Korean #1 sa mga dayuhang kriminal sa bansa - Immigration

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangunguna ang mga Korean sa bilang ng mga turista sa bansa, ngunit sila rin ang may pinakamataas na bilang ng mga kriminal na naaresto sa Pilipinas.

Sinabi ng Bureau of Immigration na umabot na sa 659 ang nadakip na mga dayuhang kriminal base sa pinakahuling tala noong 2013.

Walompung dayuhang kriminal ang nadakip sa nakalipas na taon, kung saan 34 dito ay pawang mga Korean.

Sinabi ni BI Commissioner Siegfred Mison na umakyat ng 40 porsiyento ang bilang kumpara noong 2012 na may 49 lamang.

Dagdag niya na dahil ito sa pinaigting na kampanya kontra sa mga ilegal na dayuhan.

Ilan sa mga kasong kinasangkutan ng mga dayuhan ang forgery and extortion, cybercrime, pornography or sexual conducts, at financial crimes tuald ng fraud at theft.

Isa sa mga nadakip na dayuhang kriminal ay ang “most wanted fugitive” na si Cho Yang Eun na itinuturong nasa likod ng ilang financial crimes.

Nadakip ang 63-anyos na Koreano sa labas ng isang casino sa Angeles, Pampanga.

Sunod na may pinakamaraming dayuhang kriminal ay ang mga Chinese na umabot sa 23, habang 19 na Amerikano ang nadakip, tatlong Hapon at dalawang Aleman.

Ilan pa sa mga dayuhang nadakip ay British, Israeli, Estonian, Belgian at Taiwanese.

Karamihan sa mga nadakip ay nakatakdang i-deport pabalik sa kani-kanilang mga bansa.

 

ALEMAN

AMERIKANO

BUREAU OF IMMIGRATION

CHO YANG EUN

COMMISSIONER SIEGFRED MISON

ILAN

NADAKIP

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with