^

Bansa

Ban vs naptalina sa QC isusulong

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isusulong ni Quezon City councilor Karl Castelo ang pagbabawal sa pagbenta at paggamit ng ‘mothballs’ o naptalina sa naturang lungsod dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng mga mamamayan.

Kumbinsido si Castelo na may taglay na kemikal ang naturang produkto na nagsisilbing banta sa kalusugan at buhay ng mga tao.

Nagpahayag ng pag­kabahala si Castelo matapos magbabala ang grupong EcoWaste Coalition na ang mothballs ay may naphthalene na nakalalason kung maamoy, makakain o madidikit sa balat ng tao.

Sinasabi rin na ang naphthalene ay maaaring magdulot ng haemolytic crisis o ang mabilis na pagkasira ng maraming red blood cells na posibleng mauwi sa malalang anemia.

Sinabi ng International Agency for Research on Cancer na nahahanay ang naphthalene bilang posibleng carcinogen o maging sanhi ng kanser.

“Maituturing na mala­king banta ang mothballs sa mga taga-Quezon City dahil karamihan sa ating mamamayan ay gumagamit ng nasabing produkto,” ani Castelo.

CASTELO

INTERNATIONAL AGENCY

ISUSULONG

KARL CASTELO

KUMBINSIDO

MAITUTURING

NAGPAHAYAG

QUEZON CITY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with