Davidson Bangayan ilalagay sa lookout bulletin ng BI
MANILA, Philippines - Ilalagay ng Department of Justice (DOJ) sa look-out bulletin ng Bureau of Immigration (BI) ang negosyanteng si Davidson BaÂngayan, na pinaniniwalaang siya rin ang David Tan na inaakusahang big time rice smuggler sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, may mga nakakalap na impormasyon kaugnay sa posibleng pagkakasangkot ni Bangayan sa rice smuggling dahil sa hinalang siya rin ang negosyanteng si David Tan.
Kasabay nito, inatasan din ng kalihim ang NBI na ituloy ang pagkalap ng mga karagdagang impormasyon at katibayan na si David Tan at Davidson Bangayan ay iisang tao lamang.
Batay aniya sa isa sa mga testigo ng National Bureau of Investigation (NBI) na mula sa isa sa mga kooperatiba ng bigas, si Bangayan at Tan ay iisang tao lamang.
Sinabi pa ni de Lima na nakipag-ugnayan na rin ang NBI sa Caloocan Regional Trial Court (RTC) para mabigyang linaw ang mandamyento de aresto na ipinalabas nito laban sa isang David Tan na inaakusahan ng pagnanakaw ng kuryente.
Hindi raw kasi karaniwan ang katagang “who is not†sa isang warrant of arrest dahil kadalasan mga aliases ang isinasama sa pangalan ng mga taong ipinapaaresto.
Dapat umanong maÂbigyan ito ng linaw lalu pa’t kung pagbabatayan ang rekord ng kaso sa RTC, ang address ng David Tan at Davidson Bangayan ay iisa lamang.
Kamakalawa, personal na lumutang si Bangayan upang makipagkita kay de Lima upang pabulaanan na siya at si David Tan ay iisa.
Hindi na rin napigilan ng NBI si Bangayan nang magpaliwanag na hindi siya si Tan, na siyang may warrant of arrest, kaya hindi dapat dakpin.
- Latest