Prangkisa ng iba pang bus kanselahin din!
MANILA, Philippines - Dapat isunod na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagkansela sa prangkisa ng iba pang mga bus company na madalas ng nasasangkot sa vehicular accident kung saan maraming mga pasahero ang nasasawi at nasusugatan.
Sinabi ni Sen. Vicente “Tito†Sotto na hindi dapat ilimita lamang sa Don Mariano Transit ang prangkisang dapat kanselahin ng LTFRB.
Ikinatuwa rin ni Sotto na sa wakas umaksyon din ang LTFRB na matagal na dapat ginawa ng naturang ahensya ng gobyerno.
Matatandaang napakarami ng bus company ang naaaksidente dahil sa pagiging reckless o pasaway ng mga driver nito at hindi mahusay na maintenance ng mga bus nito pero patuloy pa rin silang nakakapag-operate dahil sa kabiguan ng LTFRB na kanselahin ang kanilang prangkisa.
Tama lamang aniya na may nasampolang bus company at nakansela ang prangkisa upang maging babala sa ibang kompanya at mga abusadong bus drivers.
Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na tututukan nila ng husto ang posibleng gagawing pagbenta ng Don Mariano Transit sa kanilang mga bus matapos na makansela ang prangkisa nito bunga ng iba’t ibang kaso ng pagkakasangkot sa mga aksidente ng mga bus nito na ang pinakahuli ay ang naganap na “skyway tragedyâ€.
Ayon kay Ginez, dadaan sa butas ng karayom ang sinumang magiging bagong owner ng bus ng Don Mariano dahil kikilatising mabuti ang qualifications ng mga prospective buyer nito.
Nilinaw naman ni Ginez na maaari pa namang magamit ang mga bus ng Don Mariano basta’t ito ay road worthy at iba na ang may ari nito.
Pinayuhan din nito ang iba pang bus company owners na tupdin ang batas at patakaran ng ahensiya upang hindi matulad sa nangyari sa Don Mariano Transit na nakansela ang franchise.
- Latest