^

Bansa

'Yolanda' sinisisi ni Noy sa mataas na poverty incidence

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinuturo ni Pangulong Benigno Aquino III ang hagupit ng bagyong Yolanda na dahilan kung bakit tumaas ang poverty incidence sa bansa.

Tinutukoy ni Aquino ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 55 porsiyento ang nagsasabing mahirap sila.

Isinagawa ang survey sa buong bansa noong Disyembre 11 hanggang 16 kung saan 1,550 ang kinuha respondents, 650 dito ay mula sa Visayas.

"'Wala ka nang trabaho, wala ka nang tirahan, wala ka nang kuryente... tapos sasabihing 'Gumanda ang buhay ko.' Wala naman sigurong magsasabi nun,"  pahayag ni Aquino ngayong Martes.

Pero ayaw naman pansinin ito ni Aquino at sinabing pagtutuunan na lamang ng pansin ang mga programa upang magsugpo sa kahirapan, kabilang ang Conditional Cash Transfer program.

“Pero palagay ko dapat nating pagtuunan ng pansin lahat ng mga intervention natin dito ay hindi naman ‘yung panandaliang kalutasan, kundi pang-matagalan,” Aquino said.

AQUINO

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DISYEMBRE

GUMANDA

ISINAGAWA

ITINUTURO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PERO

SOCIAL WEATHER STATIONS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with