'David Tan' dinakip ng NBI
MANILA, Philippines – Matapos makipagkita kay Justice Secretary Leila de Lima, inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Martes si Davidson Bangayan ang umano’y nasa likod ng talamak na rice smuggling sa bansa.
Dinakip ng NBI si Bangayan dahil sa inilabas na warrant of arrest ng Caloocan Regional Trial Court para sa kasong paglabag sa Republic Act 7832 o ang pagnanakaw ng kuryente.
Kaugnay na balita: Totoo si 'David Tan' - NBI
Maaaring magpiyansa si Bangayan habang dinidinig pa ang kaso, ngunit maaari ring makulong ng hanggang anim na taon kapag napatunayang may sala.
Kaninang umaga ay nakipagkita si Bangayan kay De Lima upang itanggi na siya ang “David Tan†na umano’y nasa likod ng rice smuggling.
Kaugnay na balita: Umano'y 'David Tan' nakipagkita kay De Lima
Inabisuhan ni De Lima si Bangayan na tumungo ng NBI upang pormal na maitanggi ang akusasyon laban sa kanya.
Sinabi ni Bangayan na handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad upang masugpo ang rice smuggling.
- Latest