^

Bansa

Unang Cardinal sa Mindanao, itatalaga ng Santo Papa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang italaga ng Santo Papa bilang Cardinal si Cotobato Archbishop Orlando Quevado na kauna-unahang magiging Cardinal na mula sa Mindanao.

Si Quevado ay magiging ikawalong Cardinal ng Pilipinas na kabilang sa 16 na idedeklarang bagong Cardinal ni Pope Francis.

Ayon sa Santo Papa, gaganapin sa Pebrero 22, 2014 ang consistory o seremonya ng pagluklok sa mga bagong Cardinal.

Sinabi ni Catholic Bishop Conference of the Philippine (CBCP)  President Socrates Villegas, na malaking hakbang ito para maiugnay ang Mindanao sa Vatican.

Umapela ang Santo Papa sa mga Katoliko ng panalangin para sa mga bagong iluluklok na Cardinal upang magampanan ng mga ito ng mabuti ang kanilang mga bagong tungkulin sa simbahan.

Isa sa mga pinakamahalagang tungkulin ng mga Cardinal o Prince of Church, ay ang lumahok sa pagdaraos ng conclave, kung saan pumipili ng susunod ng Santo Papa ng Simbahang Katoliko.

CARDINAL

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINE

COTOBATO ARCHBISHOP ORLANDO QUEVADO

MINDANAO

POPE FRANCIS

PRESIDENT SOCRATES VILLEGAS

PRINCE OF CHURCH

SANTO PAPA

SI QUEVADO

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with