Drug den owner, tiklo sa PDEA at PNP
MANILA, Philippines - Tiklo sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang suspected drug den owner at kanyang dalawang bisita sa bisa ng isang search warrant sa Vigan City, Ilocos Sur
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Zosimo Tamag, alyas Kim, 59 anyos, sinasabing drug den owner at residente ng Tamag, Ilocos Sur; Rodel Aquino, alyas Waway, 37 ng Raois, Vigan City, Ilocos Sur at Espiridion Braganza, 37 ng Cabaroan Daya, Vigan City, Ilocos Sur.
Sina Aquino at Braganza ay nasa loob ng bahay ni Tamag nang isagawa ang operasyon.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3 piraso ng sachets ng shabu, isang nakabukas na sachet ng droga, 17 piraso ng live ammunition para sa caliber .45 pistol, isang piraso ng live ammunition para sa di malamang kalibre ng armas at ibat ibang drug paraphernalia.
Si Tamag ay kakasuhan ng paglabag sa Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang hiwalay na kaso naman ng paglabag sa Section 7 ng Drugs Law ang isasampa laban kina Aquino at Braganza.
- Latest