Bunkhouses iinspeksiyunin ni Marcos
MANILA, Philippines - Iinspeksiyunin ni SeÂnator Ferdinand “Bongbong†Marcos Jr., chairman ng Senate Committee on Public Works sa susunod na linggo ang kontrobersiyal na mga bunkhouses na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Gagawin ni Marcos ang inspeksiyon sa mga bunkhouses matapos maghain ito ng resolusÂyon na naglalayong imÂbestigahan ang napaulat na anomalya sa pagpapagawa sa nasabing mga bunkhouses.
Maging si Senator MiÂriam Defensor-Santiago ay naghain na rin ng resolusÂyon para paimÂbestigahan ang mga bunkhouses na magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga biktima ng bagyo.
Ayon sa dalawang senador, dapat matiyak na ligtas tirahan ang mga nasabing bunkhouses.
Nauna ng sinabi ni Santiago na dapat ring maipakita sa mga local at international donors kung saan napunta ang kanilang mga donasyon at matiyak na napapaÂkinabangan ito ng mga biktima ng super bagyo.
- Latest