Pinakamalamig na temperatura sa Baguio, nadama
MANILA, Philippines - Nadama ang pinaka- malamig na temperature sa Baguio City kahapon ng umaga nang bumagsak sa 10.3 degrees Celsius ang lamig sa lungsod.
Ayon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng PAGASA, ganap na alas-6:00 ng umaga kahapon nang maitala ang coldest temperature sa Baguio City na mas malamig kaysa noong January 9, araw ng Huwebes na nasa 11.5 degree Celsius ang temperature.
Pero mas mababa pa rin ang naitalang lamig noong January 18, 2013 na nakapagtala ng 9.5 degrees Celsius sa Baguio at pinakamababa pa dito ay naitala noong January 18,1961 na umabot sa 6.3 degrees Celsius.
Sinabi ni Escullar na patuloy pang makakaranas ng malamig na panahon sa lungsod gayundin sa buong bansa hanggang buwan ng Pebrero ng taong ito.
Pero sa huling linggo ng Pebrero hanggang sa pagpasok ng buwan ng Marso ay unti unti nang mawawala ang malamig na panahon dahilan naman sa inaasahang pagÂlisan ng amihan.
- Latest