NPA lalansagin na ng AFP!
MANILA, Philippines - Target ng pamunuan ng Armed Force of the Philippines (AFP) na lansagin na ngayong 2014 ang nasa 3,000 pang puwersa ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagkukuta sa Eastern Mindanao, Bicol Region at ilang bahagi ng Timog Katagalugan.
Sinabi ni Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz III, Commander ng AFP-EasÂtern Mindanao Command sa kaniyang hurisdiksyon ay nasa 1,700 rebeldeng NPA ang namumugad sa bahagi ng Davao-Compostella Valley.
“We are on track, we will attain our target to diminished them, our Bayanihan program to help the poor communities is gaining ground,†pahayag ni Cruz.
Ayon pa sa opisyal, propaganda lamang ang sinabi ng CPP-NPA na makakaya nitong magpalakas muli ng puwersa ngayong taon sa bilang na 25,000 tulad noong panahon ng Martial Law noong 1972, ang pinakamalaÂking bilang ng communist rebels sa kasaysayan ng insureksyon sa bansa.
Aniya, ang NPA rebels sa kanyang nasasakupan ay sangkot sa talamak na pangingikil ng revolutioÂnary tax sa mga miÂning firm partikular na sa minahan ng ginto sa Mt. Diwalwal at Mt. Diwata sa Compostela Valley.
Ang nalalabi pang mahigit 300 rebelde, ayon pa kay Cruz ay namumugad naman sa CARAGA Region partikular na sa Bukidnon, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Aktibo rin ang mga NPA sa CARAGA Region na nasangkot sa ilang insidente ng kidnapping laban sa mga pulis at CAFGU.
Inihayag naman ni AFP–Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo, sa kaniyang nasasakupan ay tinatayang nasa 600 ang namumugad na mga rebelde sa bahagi ng Bicol Region.
Samantalang nasa 100 NPA rebels ang nasa bahagi naman ng Oriental at Occidental Mindoro at tinatayang 50 hanggang 70 naman ang naglulungga sa Bondoc Peninsula sa lalawigan ng Quezon.
- Latest