3 sakristan, nalunod
MANILA, Philippines - Tatlong sakristan ng Saint Jude Parish Church sa Tangalan, Aklan ang pawang nasawi makaraang malunod sa isang post Christmas party na ginanap sa isang resort, sa Brgy. Tawili, Tangalan, Aklan nitong Enero 6.
Unang natagpuang kapwa patay sina Renil Reprado at Rommel Leyson nang malunod at kinabukasan Enero 7, dakong alas-7:45 ng umaga nang lumutang ang bangkay ni Joel Mejano.
Sa ulat ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Dumaguit at 611th PCGA Squadron, dakong ala-1:00 ng hapon nang unang mapunta sa malalim na bahagi ng Green Meadow Beach Resort sa Brgy. Tawili si Reprado kaya mabilis na sinaklolohan nina Mejano at
Leyson. Sa halip na masagip, tatlo na silang hindi na lumutang kaya nagsagawa ng rescue operations subalit kapwa patay na nang masagip sina Reprado at Leyson,
Si Mejano naman ay kinaumagahan na natagpuan may 30 metro lamang ang layo sa resort.
- Latest