^

Bansa

7 power producers isama sa kaso - SC

Doris Borja/Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasasama ng Korte Suprema sa petisyon ng mga petitioners laban sa Meralco ang pitong power producers kaugnay ng tinututulang pagtaas ng singil sa kuryente.

Ayon kay Supreme Court spokesman Teodore Te, inatasan ang mga petitioners na Bayan Muna, 3 pang partylist groups,Nasecore at dalawa pang grupo na isama sa kanilang asunto ang Philippine Electricity Market Corp., SEM-Calaca Power Corp., Masinloc Power Partners Co., Therma Luzon, Inc., San Miguel Energy Corp., South Premiere Power Corp. at Therma Mobile Inc.

Binigyan ng hukuman ang Bayan Muna at iba pa ng hanggang Enero 13 para magsumite ng kanilang amended petition.

Ang mga respondents naman ay inatasan na magsumite ng kanilang komento sa amended petition hanggang Enero 20, 2014.

Kasabay nito ay ibinasura ng Korte Suprema ang mosyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na hindi na isama sa asunto ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) para magbigay ng komento sa isyu. Sa halip, pinagkokomento ang OSG sa amended petition bago Enero 17, 2014.

Itinakda ang initial preliminary conference sa Enero 13 habang sa Enero 21, 2014 ang oral argument.

Dumulog sa SC ang mga petitioners upang pigilin ang Meralco sa pagpataw ng dagdag singil sa kuryente ng hanggang sa P4.15 per kilowatt hour dahilan upang maglabas ng temporary restraining order ang hukuman laban sa power rate hike.

 

BAYAN MUNA

CALACA POWER CORP

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY REGULATORY COMMISSION

ENERO

KORTE SUPREMA

MASINLOC POWER PARTNERS CO

MERALCO

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PHILIPPINE ELECTRICITY MARKET CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with