^

Bansa

Unang Santa Run para sa Yolanda survivors tagumpay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tagumpay ang kauna-unahang Santa Fun Run sa Pasay City na nakapagpadala ng malaking halaga ng relief goods, laruan at damit sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

Sinabi ni Mayor Antonino Calixto na ang naturang fun run na tinaguriang “Santa Run Philippines: Be a Santa for the Orphans of Yolanda” ay kauna-unahan na sa halip na pera ang registration fee ay tinatanggap ang anumang uri ng relief goods, damit, at laruan para sa mga batang biktima ng bagyo sa Samar at Leyte.

Aabot sa 4,500 runners na nakasuot ng Santa Hat ang nakiisa sa fun run na ginanap noong Disyembre 14 sa Cuneta Astrodome grounds at Roxas Blvd., Pasay City. Bahagi ito ng ika-150 founding anniversary ng lungsod ng Pasay.

Tumakbo ang mga ito sa 10K, 5K, 3K, 1K events, at Santa sprint para sa mga bata.

Pinasalamatan ng alkalde ang mga tumulong sa fun run sa pangunguna ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), San Miguel Corporation (SMC), Manila Broadcasting Corporation-Star City, Hotel Sofitel, Networld Hotel, Microtel-MOA, at Gardenia.

Naipadala na sa Tac-loban ng pamahalaang lungsod ang naipong mga relief goods at donasyon buhat sa Santa Run. 

Sinabi ng alkalde na naging isang magandang paraan ang pagkahilig ng mga taga-Metro Manila sa mga fun run sa pagtulong sa mga kababayan na nasasalanta ng kalamidad.

Sinabi naman ni Pasay City spokesman Jonathan Malaya na umabot sa 500 evacuees buhat sa Visayas ang nanatili sa itinayo nilang Tent City sa Villamor Air Base Elementary School at ngayon ay nasa 100 na lamang ang natitira.

CUNETA ASTRODOME

EASTERN VISAYAS

HOTEL SOFITEL

JONATHAN MALAYA

MANILA BROADCASTING CORPORATION-STAR CITY

MAYOR ANTONINO CALIXTO

METRO MANILA

PASAY CITY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with