Dayuhang deboto dumarami
MANILA, Philippines - Halos taun-taon ay nadadagdagan ang mga dayuhang deboto ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Monsignor Clemente Ignacio, rector ng Quiapo Church, kapansin-pansin na dumami rin ang bilang ng mga dayuhang dumarating sa Maynila upang lumahok sa tradisyunal na taunang prusisyon.
Sinabi pa ng pari na taong 2008 pa nang maobserbahan niyang unti-unti na ring nadaragdagan ang mga dayuhang deboto.
Ito’y indikasyon aniya na ang debosyon sa Black Nazarene ay lalong lumaÂlawak, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat.
“I noticed this (increase) on the second year that I was assigned here (Quiapo Church). I’ve been here for seven years now,†ani Ignacio.
Ibinunyag rin naman ng pari ang isang panukala ng Manila Tourism and Cultural Affairs (MTCA) na mag-imbita ng mga Katoliko sa ibang bansa, para lumahok sa pagpapakita ng mga Pinoy ng kanilang pananampalataya.
Nilinaw naman ni Ignacio na sariling plano ito ng MTCA at ang Quiapo Church aniya ay hindi nag-iimbita, kundi kusa lamang nagpupunta ang mga dayuhan.
Idinagdag pa ni Ignacio na maraming kahiliÂngan mula sa iba’t ibang bansa ang natatanggap niya at humihingi ng gaÂbay kung paano sila makakatungo sa Quiapo.
Ngayong taon, inaasahan ni Ignacio na aabot sa hanggang 12 milyon ang mga debotong makikiisa sa kapistahan ng Itim na Nazareno.
Nakipag-ugnayan na aniya ang church authorities sa mga concerned government agencies hinggil sa kanilang plano sa pagsasaayos ng seguridad, daloy ng trapiko at crowd control sa prusisÂyon sa Huwebes.
- Latest
- Trending