^

Bansa

Vice Gov. Mark Leviste pinahaharap sa DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinahaharap sa imbestigasyon  ng Department of Justice  (DOJ) si Batangas Vice Governor Mark Leviste kaugnay ng nasamsam na 84 kilo ng iligal na droga sa isang rancho sa Batangas na pag-aari ng pamilya Leviste.

Sa isang pahinang subpoena na pirmado nina Assistant State Prosecutors Juan Pedro Na­vera at Irwin Maraya, kasama rin sa pinahaharap sa gagawing preliminary investigation sina Conrad Leviste, ama ni Vice Gov Mark at kakambal ni da­ting Batangas Governor Antonio Leviste; Benny Orense, administrator ng LPL Ranch Estate at ang Corporate Secretary ng LBJ Development Corporation.

Sa isang hiwalay na subpoena, ipinatatawag din ng DOJ si Jorge Gomez Torres alyas “Jorge”, ang umupa sa bahagi ng LPL Ranch kung saan nasamsam ang iligal na droga noong Pasko.

Si Torres na hinihinalang utak ng sindikato ng iligal na droga ay pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad

Una na ring pinasisipot ng DOJ si Dating Governor Leviste sa nabanggit na pagdinig na gagawin sa araw ng Huwebes, Enero 9, 2014.

Kontrobersyal ang pagkakadawit ng pa­ngalan ni dating Gov. Le­viste sa nasabing rancho dahil ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, sakaling mapatunayan na pag-aari nga niya ang rancho at alam niya ang ope­rasyon ng iligal na droga doon, maari itong gawing batayan para bawiin ang parole na iginawad sa kanya.

 

ASSISTANT STATE PROSECUTORS JUAN PEDRO NA

BATANGAS GOVERNOR ANTONIO LEVISTE

BATANGAS VICE GOVERNOR MARK LEVISTE

BENNY ORENSE

CONRAD LEVISTE

CORPORATE SECRETARY

DATING GOVERNOR LEVISTE

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEVELOPMENT CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with