^

Bansa

8 agnas, pugot na bangkay nakuha sa laot

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong kalalakihan, lima rito ang halos pugot na ang ulo at naagnas na ang mga bangkay ang natagpuan ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng ‘seaborne patrol’ sa karagatan ng Bgy. Manicahan, Zamboanga City nitong Biyernes ng hapon.

Sinabi ni C/Inspector Ariel Huesca, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-5:35 ng hapon ng marekober ang nasabing mga bangkay sa bahagi ng Sacol Island, Bgy. Manicahan ng lungsod.

Ayon kay Huesca, narekober ang mga biktima sa loob ng isang lumulutang na pumpboat na nagkabutas-butas na sa tama ng bala.

Kinilala ang walo na sina Mursid Ambasali, Jimmy Sannayani, Benjie Sannayani, Piyad Sannayani, Palaji Sannayani, Jeffrey Sannayani, Palari Buyong at Maastal Jaolani; pawang ng Sitio Seaside, Bgy. Sangali, Zamboanga City. 

Pinaniniwalaan na ang natagpuang mga bangkay ay kabilang sa siyam na minasaker na Badjao na niratrat ng mga armadong lalaki habang nangingisda sa Payao, Zamboanga Sibugay noong Disyembre 26, 2013.

“They must be among the Badjao fishermen reported missing in December, we are still investigating the case,” ani Huesca kung saan ay hinahanap pa ang isang nawawalang kasama ng mga ito.

Sa teorya ng mga awtoridad, isang grupo ng mga rebeldeng Muslim ang nasa likod ng karu­mal-dumal na masaker sa 9 na Badjao na rumesbak sa pagkakapatay naman ng isa nilang kaanak na ang pinaghihinalaang may kagagawan ay ang nasabing mga katutubo.

Dalawang survivors na nakaligtas sa insidente ang nagreport sa mga pulis matapos magpatay-patayan at lumangoy patungo sa dalampasigan matapos na makaalis na ang mga salarin.

 

BADJAO

BENJIE SANNAYANI

BGY

HUESCA

INSPECTOR ARIEL HUESCA

JEFFREY SANNAYANI

JIMMY SANNAYANI

MAASTAL JAOLANI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with