Klase sa Maynila suspendido sa Enero 9
MANILA, Philippines - Idineklarang walang pasok ang lahat ng antas ng klase sa lungsod ng Maynila sa Enero 9, araw ng pista ng Itim na Nazareno.
Batay ito sa kautusang ipinalabas at pirmado ni Manila Mayor Joseph Estrada nitong Enero 3. Naipasa na rin sa unang pagbasa sa Sangguniang Panglungsod ng Maynila ang panukalang ordinansa na nagmumungkahing ideklara bilang special holiday sa Lungsod ng Maynila ang ika-9 ng Enero.
Ayon kay Manila Councilor Don Juan “DJ†BagatÂsing, pinuno ng Committee on Tourism at may-akda ng panukala, ang Pista ng Itim na Nazareno ay isa sa pinakamalaking religious procession na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto.
Karaniwan na rin umaÂno na inaabot ng buong araw bago tuluyang matapos ang prusisyon at maibalik ang Poon ng Itim na Nazareno sa loob ng simbahan ng Quiapo.
Dahil dito, mainam umano na ideklara bilang local holiday ang kapisÂtahan ng Itim na Nazareno nang sa gayon mabigyan ng pagkakataon ang mga deboto ng mas magandang pagkakataon para makiisa sa sagradong tradisyon.
Sa ganitong paraan din umano ay hindi na rin mai-stranded o maiipit ang mga estudyante at mga empleyado na maaapektuhan ng pagsisikip ng daloy ng traffic sa mga pangunahing lansangan sa Maynila dulot ng pag-usad ng prusisyon.
Dagdag pa ni BagatÂsing na nararapat lamang na ibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa kapistahan ng Nazareno ang pagtrato na ipinagkaloob nito sa mga nauna nang malawakang evangelical activity na ikinakasa sa lungsod na idinedeklara rin na walang pasok.
- Latest