Rebelde tuldukan na – AFP
MANILA, Philippines - Tuldukan na ang lahat ng mga rebelde at mga armadong grupo na nagsisilbing banta sa pambansang seguridad.
Ito ang mahigpit na direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista, sa 125,000 puwersa ng tropang militar upang matutukan naman ang territorial defense o pagtatanggol sa teritoryong nasasakupan ng bansa.
Sa kaniyang mensahe sa unang bahagi ng taong 2014 sa lahat ng unit ng militar, sinabi ni Bautista na gawin ang lahat ng makakaya upang tapusin na ang problema sa insureksyon ng bansa at nanawagan din ito ng pagkakaisa.
“Guided by our core values of honor, serÂvice, and patriotism; and through the spirit of BayaÂnihan, may we further inspire our countrymen to help us in the fulfilment of our dream of giving the next geneÂrations a more peaceful and prosperous Philippines,†pahayag ng Chief of Staff.
Ayon kay Bautista sa kabila ng kaliwa’t kanang mga pagsubok at maÂtinding hamon kabilang ang mga kalamidad na tumama sa Pilipinas ay nagawa naman ng mga sundalo ang kanilang trabaho sa nakalipas na taon.
Si Bautista ang utak ng Internal Peace Security Plan (IPSP) Bayanihan ng AFP na ayon sa mga opisyal ay malaki ang naitulong sa pagbaba ng bilang ng mga rebeldeng New People’s Army na inaasahan naman ng pamahalaan na tuluyan na ring matutuldukan bago bumaba sa puwesto si PNoy sa 2016.
Hiniyakat rin ni Bautista ang kasundaluhan na manatiling nagkakaisa sa pagharap sa mga magiging hamon ngayong 2014.
- Latest