^

Bansa

Miriam ipinapatawag na ng ICC

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Planong magreport ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa International Criminal Court (ICC) sa sanda­ling umayos na ang kanyang pakiramdam sa kanyang chronic fatigue syndrome.

Ayon kay Sen. Santiago, handa na niyang iwan ang kanyang trabaho sa Senado lalo’t sinimulan na naman ang imbestigasyon sa pork barrel scam.

Ngunit gusto sana nitong mawala ng lubos ang nakawan at corruption sa Senado sa pamamagitan ng pagbibigay ng fixed salary upang wala ng mga kickbacks at iba pang source ng income na kaugnay sa kanilang trabaho.

Sa kabila ng kagustuhan nitong mag-report na sa ICC sa The Hague hindi pa matiyak ng senadora kung makapunta siya doon ngayong taon dahil sa kaniyang sakit.

Nilinaw nito na pinapatawag na siya ng ICC ngunit humingi pa siya ng dagdag pang panahon dahil sa kaniyang health condition. Hindi naman nito natiyak kung hanggang kailan siya hihintayin ng ICC.

Idinagdag pa ng mambabatas na kung hindi talaga kaya ng kanyang katawan ay handa naman siyang magbitiw sa ICC.

Sinabi ni Santiago na dalawa ang dahilan sa pagnanais nitong maka-upo sa ICC kung saan ang una ay upang mabigyan ng karangalan ang Pilipinas na kilalanin na may Filipinong nakaupo sa naturang prestihiyosong tribunal at panga­lawa ay sa personal na dahilan kung saan malaki ang pension na kaniyang tatanggapin kung matatapos nito ang siyam na taong termino bilang judge.

AYON

FILIPINONG

ICC

IDINAGDAG

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

KUNG

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NGUNIT

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with