Total ban vs paputok ipatupad na! - DOH
MANILA, Philippines - Muling ipinanawagan ng Department of Health (DOH) sa lahat ng local government units na magpatupad na lang ng “community-based fireworks display†at tuluÂyang ipagbawal ang mga paputok sa panahon ng kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon sa bansa.
Ito’y matapos umaÂbot sa 599 ang mga fireworks-related injuries na kanilang naitala sa 50 mga ospital sa bansa (as of 6 a.m. January 1). Nasa 43 porsyento umano na mas mataas ito kumpara noong nakalipas na taon.
Ayon kay Health Asst. Secretary Dr. Eric Tayag, napansin nila ang pagtaas ng bilang ng mga nasugatan noong bago at sa araw mismo ng kapaskuhan, bago ang New Year at sa mismong New Year’s day.
Halos kalahati ng mga nabiktima ng firecracker ay dahil sa ipinagbabawal na piccolo.
Sa kabila nito, mataÂgumpay pa rin ang kaniÂlÂang kampanya, ayon kay DOH Undersecretary Janet Garin.
Kapansin-pansin umaÂno na marami na ngayon ang mga Pinoy na gumagamit ng mga torotot at dumadalo rin sa mga parties upang salubungin ang bagong taon.
“Ang nagiging problema ay tumataas pa rin (ang injuries) at nangaÂngailangan ng concerted effort ng DOH and other agencies. Kasi maski anong kampanya namin, pag binebenta pa rin ng mura, talagang mahirap po. Ang panawagan ni Health Secretary Ona ay magkaroon ng community-based fireworks display at i-ban ang mga pagpaputok sa residential areas at pagbebenta sa individuals,†pag-amin pa ni Garin.
Sinabi ni Garin, noon pa man ay ito na ang naÂging panawagan ng DOH sa layunin na maiwasan na ang mga biktima ng firecrackers.
Sa kabila ng mga pagtutol, paninindigan ng DOH ang total ban sa mga firecrackers habang selective ban sa fireworks.
Tinitimbang din naman ng DOH na hindi malulugi ang industriya ng paputok at hindi rin malagay sa peligro ang kaligtasan ng publiko.
Iginiit ng kagawaran na hindi sila nagkulang sa information drive laban sa mga paputok ngunit hindi aniya maiiwasan na magkaroon pa rin ng mga biktima dahil patuloy pa rin na naglipana sa merkado ang iba’t ibang uri ng firecrackers, legal man o illegal.
Ang Maynila ang naÂnguna sa mga lungsod sa Kamaynilaan na may pinakamaraming biktima ng paputok mula pa noong Disyembre 21 na nakapagtala na ng 138 sugatan.
Halos kalahati lamang na bilang ang sa Quezon City na may 64 biktima at pumangatlo ang Las Piñas City na may 26 kaso.
Pang-apat ang Marikina City, 24 habang pangÂhuli ang Caloocan na may 18.
Hindi naman isinasantabi ng DOH ang pagtaas pa ng mga bilang dahil tatagal pa ng hanggang Enero 5 ang kanilang monitoring.
- Latest