^

Bansa

Biktima ng paputok, patuloy na lumolobo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na lumolobo ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok sa kabila ng maigting at sunod-sunod na paalala ng Department of Health (DOH) na huwag ng gumamit ng ano mang uri ng firecracker.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), umabot na sa 244 ang kanilang naitala simula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 30.

Kabilang dito ang 238 injuries sa paputok, isang firework ingestion at lima ang  tinamaan ng ligaw na bala.

Mas higit na mataas ito sa naitalang fireworks-related injuries sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon na nagtala lamang sa 188 ang fireworks related injuries.

Nangunguna pa rin sa dami ng nabiktima ang  piccolo na umaabot na sa  153 o 64% ng kabuuang 238 fireworks injuries.

 

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DISYEMBRE

DR. ERIC TAYAG

INJURIES

KABILANG

NANGUNGUNA

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

PATULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with