^

Bansa

Seguridad ng 2 testigo sa NAIA killing tiniyak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Justice ang seguridad ng dalawang lumutang na testigo sa pananambang at pagpatay kay Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa, misis nito at 2 pa sa NAIA Terminal 3.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na kumilos na ang Witness Protecton Program para maisailalim ang dalawang hindi pinangalanang saksi sa pangangalaga ng WPP.

Sinabi rin ng kalihim na isa sa mga nasabing testigo ang nagsalaysay na tatlong talampakan lamang ang kanyang layo mula sa mga biktima nang sila ay pagbabarilin ng gunman.

Ayon aniya sa nasabing testigo narinig din niya ang sinabi ng gunman na “Mayor, mayor, para kay Kitty Nandang” na tumutukoy naman sa tinalong kandidato ni Mayor Talumpa na si Wison Kitty Nandang.

Nauna nang ipinagharap ng reklamong multiple murder at multiple frustrated murder sa Pasay City Prosecutor’s Office ang umano’y gunman na si Marox Amlong alyas Maroks at ang dalawang iba pang hindi nakilalang suspek.

Tinukoy naman ng Pasay City Police Office na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na sangkot sa krimen si Nandang dahil si Amlong ay natukoy na isa sa kanyang mga security escort.

Matatandaan na bukod kay Talumpa, kasama ring nasawi sa insidente ang kanyang asawang si Lea, ang kanyang pamangkin at isang batang lalaki mula sa Bacolod City na nakasabay lang nila sa arrival area.

 

vuukle comment

BACOLOD CITY

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

KITTY NANDANG

MAROX AMLONG

MAYOR TALUMPA

PASAY CITY POLICE OFFICE

PASAY CITY PROSECUTOR

SINABI

SUR MAYOR UKOL TALUMPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with