MANILA, Philippines - Aabot sa 600 pamilya ang naapektuhan sa naganap na malaking sunog kamakalawa ng gabi sa isang residential area sa Muntinlupa City.
Kinukumpirma naÂman ng pulisya ang ulat na apat katao, karamihan ay mga menor-de-edad ang nasuÂgatan sa naturang sunog na sumiklab dakong alas-8 ng gabi sa Guillermo Street, Purok 6, Brgy. Bayanan, ng naturang lungsod.
Umakyat sa ikaÂlimang alarma ang sunog dakong alas-9 ng gabi at nakontrol lamang dakong alas-11:25 na ng gabi. Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.
Bineberepika naÂman ng mga tauhan ng Muntinlupa Fire DeÂpartment ang ulat na nagsimula ang apoy sa isang paputok na nakapasok sa isang bahay. Isa pang anggulo ang posibleng problema sa koneksyon sa kuryente sa naturang lugar.
Lumikas naman ang mga apektadong pamilya sa kalapit na paaralan habang nanawagan ng tulong sa lokal at nasyunal na pamahalaan lalo na at papalapit ang Bagong Taon na wala silang tahanan.