11 OFWs na lumikas sa South Sudan tatanggap ng livelihood assistance
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang 11 Pinoy na lumikas sa South Sudan matapos na maapektuhan ng maÂtinÂding karahasan sa nasabing bansa.
Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, ang 11 overseas Filipino workers na nakauwi sa bansa kamakalawa ay pawang miyembro ng OWWA at makatatanggap ng livelihood assistance.
Ang 11 repatriates mula sa magulong South Sudan ay dumating sa NAIA noong Miyerkules ng gabi lulan ng EmiÂrates Airline flight EK 334.
Mula sa paliparan, pito sa mga OFWs ang dinala ng OWWA team na siyang sumalubong at nag-asiste sa bahay ng kanilang team leader na si Eric Ras sa Putatan, Muntinlupa City, ayon na rin sa kanilang kahilingan.
Ang batch ng mga lumikas na Pinoy sa South Sudan ay binubuo ng mga propesyunal, inhinyero at construction workers na ipinadala ng recruitment agency na WERR Corporation.
Bukod sa livelihood assistance sa ilalim ng OWWA “Balik-Pinas, Balik Hanapbuhay†program ng Department of Labor and Employment, maaari ring kumuha ang mga umuwing OFWs ng short traning courses sa ilalim ng Skills For Employment Scholarship Program ng OWWA habang inaantabayanan ang kanilang lokal na trabaho at trabaho sa abroad.
- Latest
- Trending