Kidnaper ng 2-wildlife photogs, tiklo
MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang sinasabing high ranking na miyembro ng grupong Abu Sayyaf na sangkot sa pagdukot sa dalawang European birdwatchers sa Tawi-Tawi noong Enero 2012.
Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang nasakoteng suspek na si Haik Asgali alyas Abu Aswad, kanang kamay ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron.
Bandang alas-5 ng hapon kamakalawa nang masakote ng pinagsanib na elemento ng Sulu PNP at tropa ng Philippine Marines ang suspek sa operasyon sa Marites Street, Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu.
Nabatid na sina Ewold Horn, 53, ng Holland at Lorenzo Vinciguerra ng SwitÂzerland na kapwa wildlife photographers ay kinidnap noong Enero 31, 2012 sa karagatan ng Panglima Sugala, Tawi-Tawi.
Samantalang nagawa namang makaligtas ng tourist guide na Pinoy photographer na si Ivan Sarenas ng Davao City matapos na makatalon sa bangka.
Kaugnay nito, sinasabing buhay pa ang dalawang European birdwatchers base na rin sa intelligence report ng pulisya sa kondisyon ng dalawang bihag.
Isinailalim na sa custodial debriefing ng Sulu Provincial Police Office ang nasakoteng kidnaper bago ito iturnover sa Zamboanga City PNP.
- Latest
- Trending