Kelot hulog sa bus, lasog

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay ang isang obrero matapos na makatulog sa sinasakyang bus at mahulog sa kalsada kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pahinga 1 ng bayang ito.

Basag ang ulo ng biktimang si George Rubis, 31, ng Las Piñas City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Archibald Real, dakong alas-11:30 ng gabi, habang tinatahak ng N. dela Rosa Liner (DXJ-434) ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo sa direksyon ng Lucena City ay nakasakay sa likurang bahagi ang natutulog na biktima.

Maya-maya ay bigla na lamang nahulog ang biktima sanhi upang pahintuin ng driver na si Leo Marquez ang bus at nakitang nakahandusay sa kalye ang una. Mabilis itong isinugod sa ospital subalit idineklarang dead-on-the-spot.

Show comments