Ban sa sombrero at sunglass sa malls okay sa Malacañang

MANILA, Philippines - Suportado ng Ma­la­ca­ñang ang plano ng Philippine National Police na ipagba­wal ang pagsusuot ng sombrero at sunglass sa loob ng mga mall, ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr..

Ipinapanukala ng PNP na ipagbawal ang pagsusuot ng sombrero sa pagpasok sa mall matapos mapuna na ang lahat ng krimen na nakukunan ng CCTV ay pawang nakasuot ng sombrero ang mga kriminal kaya hindi ito makilala.

Unang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director C/Supt. Carmelo Valmoria na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng mga security ng mga mall at ilan pang establisyimento upang masolusyunan ang mga panloloob ng mga kriminal.

Isa nga sa napagkasunduan upang makilala ang mga kriminal ang ipagbawal na ang pagsusuot ng anumang klase ng sombrero tuwing nasa loob ng mall para maliwanag na makilala ang mga suspek sa krimen.

Sinabi pa ni  Coloma, may katwiran ang panukala ng PNP dahil makakatulong ito upang malutas ang ano mang krimen lalo na sa pagtukoy ng mga suspek. Pero ayon kay Coloma, hindi magagarantiya­han ng CCTV system na
mapigilan ang lahat ng krimen.

Show comments