^

Bansa

Diesel price hike pamasko ng oil firms

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panibagong pagtataas sa presyo ng diesel ang naging aginaldo ng mga kumpanya ng langis sa bansa makaraang magpatupad ng panibagong galaw sa presyo kahapon ng umaga.

Unang nag-anunsyo ng pagtataas ang Pilipinas Shell, Petron Corporation at Total Philippines ng P.10 kada litro sa presyo ng diesel. Wala namang paggalaw sa presyo ng premium at unleaded gasoline.

Nagbigay rin naman ng pamasko ang mga kumpanya ng langis sa pagtapyas ng P.15 kada litro­ sa presyo ng kerosene.

Samantala, inaasahan naman na bababa ang presyo­ ng liquefied petroleum gas (LPG) sa darating na Enero 2014. 

Sinabi ni LPG Mar­keters Association partylist Rep. Arnel Ty na nagkaroon ng pagbaba sa demand o panganga­ilangan sa cooking gas sa internasyunal na merkado na inaasahang dahilan sa pagbaba sa contract price.

Hindi pa naman makapagbigay ng eksaktong halaga ang LPGMA na maibababa sa presyo ng LPG pero sa kanilang tantiya ay nasa 30% ng pinakahuling pagtataas na umabot ng P14 kada kilo.

ARNEL TY

ENERO

NAGBIGAY

PANIBAGONG

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

PRESYO

SAMANTALA

SINABI

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with