Mison BI chief na
MANILA, Philippines - Itinalaga na ni Pangulong Aquino bilang permanenteng head ng Bureau of Immigration ang dating OIC ng ahensiya na si Commissioner Siegfred B. Mison.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinirmahan ng Pangulo ang appointment ni Mison noong Disyembre 18.
Pinirmahan na rin ng Pangulo ang appointment ni Atty. Nonnatus Cesar Rojas bilang Prosecutor V o Regional Prosecutor sa Ilocos Resion na nasa ilalim ng national Prosecution Service ng Department of Justice.
Ayon kay Valte, si Rojas ang nagbitiw na hepe ng National Bureau of Investigation kamakailan.
Noong Disyembre 19, pinirmahan din ng Pangulo ang appointment ni Vicente B. Malano bilang Acting Administrator ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Itinalaga rin bilang bagong DSWD undersecretary si Florita Villar.
- Latest