Shellfish ban sa Zambo Sur, Bataan
MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng BuÂreau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa Dumanguilas bay sa Zamboanga del Sur at Bataan.
Gayunman ayon kay BFAR director Asis Perez, maaari namang kainin mula sa naturang mga baybayin ang isda, pusit, hipon at alamang bastat linisin lamang na mabuti.
Inabisuhan ng BFAR ang mga lokalidad ng naturang mga lugar na huwag payagang makarating sa mga palengke ang shellfish mula sa kanilang lugar para makaiwas sa epektong dulot nito na nakakalason sa taong kakain ng shellfish na may red tide.
Ligtas namang kainin ang shellfish mula sa baybayin ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas at Bulacan sa Manila bay gayundin sa baybayin ng Bolinao, Anda, Alaminos, Wawa Bani sa Pangasinan; Masinloc bay sa Zambales; Milagros at Mandaon sa Masbate.
- Latest