MMDA pinapa-double time sa matinding trapik
MANILA, Philippines - Kailangang mag-double time ni Metro Manila DeveÂlopment Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino para resolbahin ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ngayong kapaskuhan.
Nanawagan si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza kay Tolentino na dagdagan ang pwersa ng MMDA sa lansaÂngan lalo na sa mga major thoroughfares para maibsan ang congestion o pagsisikip sa mga lansangan sa dami ng mga motoristang bumibyahe ngayon lalo na sa mga luluwas sa kanilang mga probinsya.
Bukod dito maiiwasan din umano ang mga aksidente kung may mga MMDA traffic enforcers na nagmamando sa mga malalaking lansangan sa Metro Manila.
Inirereklamo pa ni Atienza na kumakain ng halos dalawang oras ang biyahe sa EDSA-Commonwealth dahil sa kawalan ng tauhan ng MMDA na nagmomonitor dito. Napansin pa ni Atienza na tuwing madaling araw lang aktibo ang MMDA sa may UP Diliman area na binubuksan ang kanilang ‘tong-gates’ sa mga trucks na dumadaan dito.
Iginiit ng kongresista na maging aktibo din sana ang MMDA sa kanilang tungkulin kapag heavy traffic hours at hindi lamang tuwing madaling araw.
Nababahala si Atienza dahil batay kay Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, aabot ng 2.4 billion sa isang araw ang nalulugi sa Pilipinas dahil sa matinding traffic na umuubos sa oras ng mga tao para maging produktibo.
- Latest