^

Bansa

Task force vs Enrile binuo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuo na ang Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ng special task force upang magsagawa ng imbestigasyon laban sa sinasabing illegal at criminal activities na kinasasangkutan ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Ito’y kasunod ng pagbubunyag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang naging privilege speech sa Senado kamakailan.

Sa ilalim ng department order number 994 na nilagdaan ni DoJ Sec. Leila de Lima, itinalaga nito bilang chairman ng task force si Justice Undersec. Jose Justiniano kasama ang mga miyembrong sina Assistant State Prosecutor Niven Canlapan, Asst. State Prosecutor Nolibien Quiambao, State Counsel IV Adonis Sulit, State Counsel I Charles Romulus, at sina Atty. Jonathan Mengullo at Atty. Catherine Camposano na kapwa galing ng NBI-Anti Graft Division.

Inatasan ni de Lima ang grupo na imbestigahan ang umano’y mga iligal na gawain ni Enrile lalo na ang sinasabing illegal importation o smuggling ng mga sasakyan sa Cagayan Special Economic Zone and Freeport.

Kabilang na rin ang usap-usapang pakikipagsabwatan daw nito kay Cagayan Economic Zone Authority Administrator Jose Mari-Ponce at James Kocher na manugang ng senador at nagpapatakbo raw ng automobile importing operation.

Hindi rin lusot sa imbestigasyon ang illegal gambling sa Cagayan Special Economic Zone and Freeport, ang illegal logging sa pamamagitan umano ng San Jose Lumber na nagpaso ang lisensya noong 2007, pagsusumite ng palsipikadong statement of assets, liabilities and networth (SALN) at ang iba pang mga kahalintulad na criminal offenses.

Pinahihintulutan din ang task force na mag-evaluate sa mga nakalap na ebidensya at magrekomenda sa legal actions at imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council.

ADONIS SULIT

ANTI GRAFT DIVISION

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

ASSISTANT STATE PROSECUTOR NIVEN CANLAPAN

CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY ADMINISTRATOR JOSE MARI-PONCE

CAGAYAN SPECIAL ECONOMIC ZONE AND FREEPORT

CATHERINE CAMPOSANO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JAMES KOCHER

JONATHAN MENGULLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with