2014 Budget lalagdaan
MANILA, Philippines - Lalagdaan ngayon (BiyerÂnes) ni Pangulong Benigno Aquino III ang P2.264 trilyong national budget para sa taong 2014.
Sinabi mismo ni Pangulong Aquino sa ambush interview na nakatakda niyang lagdaan ang inaprubahang P2.264 trilyong General Appropriations Act of 2014 ng Kongreso sa araw na ito (Biyernes) sa isang simpleng seremonya sa Malacañang.
Ang 2014 General Appropriations Act ay mas mataas ng 13 percent kumpara sa 2013 budget na P2.006 trillion.
Bukod sa biktima ng YoÂlanda, nakapaloob din sa naÂtional budget ang recovery plan sa mga nasira ng bagyong Santi, malakas na lindol sa Bohol at Cebu, gayundin sa Zamboanga City siege.
Nakapaloob dito ang P13 billion calamity fund at P100 billion rehabilitation fund para sa mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad.
Nabawasan ng P3.2 billion ang original proposed budget dahil sa pagkakatanggal ng Priority Development Assistance Funds (PDAF) ng 15 senators at ni Vice President Jejomar Binay.
Inaasahang dadalo din sa seremonya sa Palasyo ngaÂyong umaga sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Senate President Franklin Drilon kasama ang ibang mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
- Latest