Para sa nasirang paaralan ng bagyong Yolanda P2-B donasyon ibibigay ng PAGCOR sa DEPED
MANILA, Philippines - Ibibigay ngayong BiyerÂnes ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGÂ COR) Chairman Cristino NagÂuiat, Jr. ang P2 bilyong donasyon sa Department of Education (DepEd) para sa pagpapagawa ng mga nasiÂrang paaralan sa pagragasa ng bagyong Yolanda sa Visayas.
Pangungunahan nina Naguiat, Education Secretary Armin Luistro at Presidential Assistant for Rehabilitation, Secretary Panfilo Lacson ang seremonya para sa “turn-over†ng P2 bilyong financial aid at pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA).
Ayon kay Maricar Bautista, Assistant Vice President for Corporate Communications Department, isasagawa ito sa PAGCOR Hyatt Corporate Office sa Malate Maynila.
Base sa ulat ng DepEd, nasa 5,900 silid-aralan ang buong nasira ng bagyo at kailaÂngan nang mapalitan. Nasa 14,508 silid-aralan naman ang kailangang sumailalim sa “major repair†para magamit muli ng mga mag-aaral.
- Latest