^

Bansa

Railings sa Skyway itataas

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang pagkahulog ng mga sasakyan, hinikayat ni Dasmariñas Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang pamunuan ng Skyway Operations and Management Corp (SOMCO) na maglagay ng mas mataas na railings sa South Metro Manila Skyway sa Taguig City. 

Ito ay upang hindi na umano maulit pa ang insidente ng pagkahulog ng Don Mariano Transit bus at mabagsakan ang isang close van noong Lunes ng umaga kung saan 18 katao ang nasawi at pagkasugat ng nasa 20 pa.

Umapela rin si Barzaga sa Land Transportation Office (LTO) na ba­wiin ang lisensya ng mga reckless driver at patawan ng lifetime ban upang madisiplina.

Hinikayat din ni Barzaga ang LTFRB na kanselahin ang prangkisa ng mga pasaway na bus companies upang magsilbing halimbawa sa iba pa.  

Hindi anya magbabago ang mga pasaway na driver kung ningas kugon lang ang gagawin ng gobyerno.

BARZAGA

CAVITE REP

DON MARIANO TRANSIT

ELPIDIO BARZAGA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SKYWAY OPERATIONS AND MANAGEMENT CORP

SOUTH METRO MANILA SKYWAY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with